Artist Club
AC ininterview sa NBN Channel 4 Sining Gising

Ininterview ng National Commission for Culture and the Arts sa NBN Channel 4 Sining Gising ang Samahang Makasining o Artist Club Philippines tungkol sa mga proyekto nito. Nagbigay pansin rin ang proyekto nito tungkol sa laro ng lahi, mga larong pinoy na binubuhay dahil ang ilan rito ay unti-unti nang naglalaho.

Nagsalita si Engr. Cesar M. Macalinao - Board Chairman ng samahan tungkol sa kasaysayan ng Artist Club at kung paano ito nabuo at kung paano ito nabubuhay hanggang ngayon. Nabanggit rin niya na ang mga kasapi nito ay binubuo ng mga magagaling na makasining sa ibat-ibang aspeto ng sining.

Sa loob ng tatlong oras na program, nakapaloob ang aktuwal na pagpipinta nina Elito V. Circa dating Board Chairman ng samahan at ni __ miyembro ng Guimba Minicipal Chapter.

Kasama rin na tumulong sa interview ay sina Roberto Ramos, Rey Lorenzo, Teresita Circa, Ruel Torres, Michael at Ramon Lopez.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC