Artist Club
Ikalawang taong pagkakatatag ng Dingalan Artist Club

Muling ginunita ang pagkakatatag ng sangay ng samahan sa bayan ng Dingalan, Aurora noong ika-5 ng Nobyembre 2005. Pinasinayaan ito sa pangunguna ng pangulo ng sangay na si Rhod Gamatan at ng mga opisyales ng naturang sangay.

Ang naturang sangay ay may miyembro ngayon na umaabot ng halos 30 katao at inaasahang lumawak pa ito hanggang sa Mataas na Paaralan sa mga darating na mga taon.

Di maikakaila na ang bayang ito ay dinalaw ng isang kalamidad, kung saan nagbigay ng malaking dagok sa pangkabuhayan ng mga mamamayan rito.

Ito ang nagbunsod sa kanila upang mas paigtingin pa ng samahan rito ang pagtulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa sining.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC