Rizal Chapter, nanalo kamakailan lamang ang sangay ng Artist Club sa Rizal High School sa ginanap na patimpalak ng DECS Region III sa larangan ng intablado o DULA-AWIT. Ang patimpalak ay dumaan sa dalawang lebel ng pagsusuri o paghuhusga. Ang unang paghuhusga ay sa district level kung saan nilahukan ito ng may 14 na Mataas na Paaralan. Sa unang bahagi ng patimpalak District Level ang RHS Young Artist Club teatro ay nagkamit ng unang (1st) gantimpala. Sa huling bahagi ng patimpalak ginanap sa bayan ng Aliaga Agusto 29, 2006 Division Level kung saan nilahukan ito ng limang (5) paaralang mga pare-parehong nanalo sa kanya-kanyang distrito, ang RHS Young Artist Club teatro ay nagkamit ng karangalan bilang tatlo.
Ang patimpalak na ito ay taonang programa ng DECS na nagbibigay pahalaga sa sining at tumutuklas sa mga makabagong makasining na may angking talino sa larangan ng teatro.
|