Artist Club
San Jose City chapter pinalakas ang bagong bukas
(by amang  5/15/2005)

Ang San Jose City chapter ay muling nagsama-sama at pinalakas ang bagong mga plano para sa mga susunod na mga buwan. Ito ay ginanap noong ika-15 ang Mayo 2005 sa Aglipay Resort San Jose City.

Isa sa mga plano ng naturang sangay ay ang pagkakaroon ng partisipasyon sa araw ng lungsod ng San Jose na gaganapin sa buwan ng Hunyo. Ang ilan sa mga unang hakbangin ay ang mga sumusunod; sama-samang pagpipinta ng mga kilalang lugar sa lungsod ng San Jose; pagtuklas ng mga limot na bayani at mga landmark ng bayan.

Ang pagpaplano ng mga proyektong ito ay pinapangunahan ng bagong Grand Artist ng sangay sa San Jose City na si Isagani Carlos sa gabay ni Angelo-Jose Gania Executive Director ng Samahang Makasining(Artist Club) Inc. Ilan sa mga dumalo sa naturang pagpaplano ay ang mga sumusunod; Elito Circa (Board Chairman), Romeo Sevilla at Danilo Talplacido bilang mga Grand Master Artist (Adviser), Rhod Gamatan (Grand Artist ng Dingalan chapter - panauhin) at mga kasapi ng naturang sangay.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC