| Bahay kubo kahit munti!Madalas puntahan ng munting daliri
 Dati-rati di mapakali
 Mistulang pusang di maiihi.
 
 Ngunit isang araw ng pamamasyal
 Naligaw at napunta sa ibang bahay
 Luwa ang mata at tulo ang laway
 Sa dami ng mga bisita sa bahay.
 
 Ahh! napatagal ang pamamasyal
 Nakalimot bumalik sa dating bahay
 Lalo't nakita ang iba pang kabahay
 Na tila natuwa pa at panay ang kaway
 
 Bahay kubo kahit munti!
 Naalala kong bigla at muling nasilip
 Maalikabok na at puno na ng agiw
 Nakakahiya at nagising sa pagkaidlip.
 
 Binuksan nga muli
 Mga daliri ay unti-unting naaliw
 There's no place like home!
 Sabi nga sa salitang English.
 
 Ang Facebook at Twitter!
 Maalis din 'yan later
 Bagong trend laging mag-aapear
 Ngunit ang bahay kubong munti
 Patuloy na mananatili.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 |