Artist Club
LARO NG LAHI (Filipino Indigenous Games)

The term "Laro ng Lahi" (Filipino Indigenous Games) was coined and popularized by the Samahang Makasining (Artist Club), Inc. The word "Laro ng Lahi" was conceptualized by the group and it was the first act to research and preserve the Filipino indigenous games like (syatong, patintero or harangtaga, taguan pong, dama, lusalos, holen butas, tumbang preso and others).

In 2001, the Samahang Makasining(Artist Club), Inc. made a proposal to National Commission for Culture and the Arts (NCCA) entitled "Laro ng Lahi" to support and subsidize the three day- actual playing of selected Filipino games. Actual playing of it, is one of the strategies of SM(AC)I to preserve these indigenous games.

Now, "Laro ng Lahi" is popular with the help of NCCA and being used by the other Philippine Local Government Unit, other organizations and other institution. Imparting of these Filipino games to the youth is one of the main objectives of the organization.

LARO NG LAHI
LISTAHAN NG MGA LARO
  • Taguan Pong
  • Piko
  • Tansing
  • Putupong
  • Sundutan sa puno
  • Siring bulding
  • Lupa't langit
  • Tumbang preso
  • Harantaga o Patintero
  • Harantagang bilog
  • Siyatong
  • Taguang buwan
  • Tsektsok
  • Usa-Usa ng Pantabangan
  • Sigay ng Pantabangan
  • Holen Butas
  • Lusalos
  • Dama
  • Dampa
  • Sungka
  • Game of the General
  • Play Now online
    SULYAP SA SINING 2003
    Funded by National Commission for Culture and the Arts (NCCA)







    Ang sagot sa ilang problemang paglalaho ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kaya't dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paglalaro, pagpipinta at pagsusulat.

    Ang ilang katutubong laro ay halos hindi na alam sa kasalukuyang panahon. Ilan dito ay ang Piko, Tansing, Putupong, Sundutan sa puno, Siring bulding, Lupa't langit, Tumbang preso, Harantagang bilog, Siyatong, Holen Butas at Lusalos. Isinama rin ang ilang kilalang mga laro tulad ng Patintero at Dama upang mas maging masaya at makayang laruin ng ilan na hindi alam ang mga lumang laro.

    Ang laro ng bawat lipi ay pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Humuhubog rin ito ng isang masining na kaisipan at masining na damdamin. Paghubog sa pag-uugali at paghahanda sa mga susunod pang mga karanasan ng pagiging propesyonal ay dulot rin ng kabataang paglalaro.

    Ang proyekto ay pinamahalaan ng mga masisipag na pamunuan at miyembro ng Samahang Makasining (Artist Club) Inc., sa tulong na rin ng iba't ibang sangay ng samahan. Ang mga namahala sa gayong gawain ay may sapat na kakayahan at kasanayan upang mapagtagumpayan ang layunin ng proyekto at ng samahan base na rin sa tagal na nila itong ginagawa na walang suporta sa ano mang ahensiya ng gobyerno o pribadong grupo.

    Mas naging tagumpay pa itong nakaraang proyekto at nabigyang pansin pa ang ilang aspetong gawain sa sining sa dahilang ang gobyerno sa pamamagitan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay naggawad ng pinansyal na suporta upang gamitin sa ilang pangangailangan ng samahan.

    LAYUNIN NG SAMAHAN

    Maidukomento at maitago ang yamang laro ng lahi sa pamamagitan ng aktong paglalaro nito, maisulat at maisa- video tape.

    Layunin ding maingatan ang mga tinatawag nating mga indigenous games o katutubong laro. Sa pamamagitan nito o sa paggunita at aktong paglalaro nito naitatago hindi lang sa pagpipinta, sa pagsasayaw sa pagda-drama, kundi naipapakita pa ng akto. Ang laro ng lahi ay mismong ginagawa na ng mga bata, kaya ramdam na ramdam nila ang kabuluhan ng mga larong ito.

    Sa proyektong ito, naipakita rin ang mga yamang Sining at kultura ng lalawigan sa larangan ng pagpipinta at maipamulat sa kapwa ang kahalagahan nito. Maitago sa isip ng bawat dadalo at makita ang kahalagahan hindi lang ng Sining kundi pati na rin ang kasaysayang naka bahid dito.

    Layunin ding maituro ang mga pangunahing hakbangin sa pagpipinta, tula at ganoon na rin sa iba pang aspeto ng sining. Layunin ding ipakilala sa madla ang kagalingan ng mga Pilipino sa larangan ng sining, sukli at balik naman nito ay ang pagkakaroon ng tiwala at pag-angat ng kaisipang maka-pilipino. Kaalinsabay nito ay matutugunan ang ilang proyekto ng gobyerno sa pagdaragdag kaalaman para sa mamamayan.


    PAGLALARAWAN NG PROYEKTO

    Ang nagmungkahi ay pumili ng ilang katutubong laro upang maging batayan o maging halimbawa sa pagdu-dokumento ng mga ito. Ang mga manlalaro ay binubuo ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan, Kolehiyo at mga matatandang nais maglaro. Nilapatan ng kaukulang bilang na batayan sa pamimili ng mga mananalo at sa bawat laro ay may nakatakdang oras o tagal ng kaganapan.

    Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
    Artist Club of the Philippines
    email: info@makasining.org

    Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

    Powered by AACC