Matapos ang mahaba habang biyahe at tanungan (dahil hindi namin alam ¡¥yong pupuntahan namin) ay nakarating din kami sa O¡¦ Donnel High School sa Capas, Tarlac at natuwa kami dahil sa halatang pinaghandaan nila ang pagdating namin.
Nakita rin namin ang tuwa sa mukha ng mga estudyanteng naroroon at handa nang makinig sa aming mga lecture kaya naman pati kami ay excited na rin sa nasabing workshop.
Pagbaba palang namin ng sasakyan, syempre kumuha na ako ng mga pictures ļ at lalo pa akong natuwa nung sabihan kaming bago magsimula ang programa ay mag-lunch muna kami (nakakagutom kayang mag-biyahe)..salamat sa masaganang tanghalian (~ ^).
At syempre pagkatapos kumain ay nagsimula na agad kami. Nakakatuwa dahil sa nandun din `yong PTA president ng skwelahang yun at siya ang nag-welcome sa amin.
Narito ang karaniwang laman ng `basic` lecture namin para sa mga ganitong uri ng aktibidad:
1. pagpapakilala sa samahan
2. sining at kultura (pagpapakilala sa sariling kultura, pagpapahalaga at kahalagahan nito)
3. `mediums, elements and principles of art`- kasama sa lecture na ito ang paghihikayat sa bawat isa na humanap ng mga bagay na pwedeng i-recycle o gumamit ng mga indigenous/lokal na materyales sa pagpipinta
4. Iba`t ibang kahulugan ng sining ayon sa paniniwala at pilosopiya ng isang alagad ng sining
5. Aktuwal na Demo sa pagpipinta
Kung kayo ay interesado sa aming lecture, makipag-ugnayan lamang po kayo sa akin sa pamamagitan ng email:. info@acpfi.org. Kami po ay nagbibigay ng libreng art workshop. Wala kayong iintindihin dahil pati transpo ay sagot namin. Ngayon kapag nakarating na kami sa lugar n`yo, nasa inyo na yan kung pakakainin n`yo kami. Hehe
Bago ang aktuwal na pagpipinta (ng lecturer at ng mga estudyante) pinagawa muna ang mga participants ng isang ¡¥gawain¡¦ na kung saan ang bawat isa ay maglalagay ng pintura sa isang bond paper at hahayaan itong umagos sa kahit saang direksiyon. Pagkatapos ay hihikayatin silang hanapin ang mga bagay na ¡¥hindi sinasadya¡¦ ay nabuo mula dito. Nakakatuwa ang nagging resulta kase halatang enjoy ang mga bata habang ginagawa ito lalo na nung biglang may sumigaw ¡§naging paruparo!¡¨. ¡§ako kabayong tumatakbo ang nabuo ko¡¨ sabad pa ng isa.
Sa palagay n`yo, mag-i-enjoy din kaya kayo sa ganitong activity?
|