Artist Club
Isang Haligi ng CLSU Artst Club pumanaw na

Ang buong grupo ng Samahang Makasining o Artist Club ay nagdadalamhati sa maagang pagpanaw ni kuya, ninong at tatay Teodorico Jose "Ted" Clemente nitong Agosto 21, 2017 sa ganap na ika 2 ng madaling araw dahil sa "Heart Attack".

Isa siya sa pundasyon ng CLSU Artist Club na nagtatag, gumabay mula 1982 at tumulong upang mairehistro ang Artist Club sa Security and Exchange Commission (SEC) bilang Samahang Makasining (Artist Club), Inc. noong 1998 at naging Board Adviser ng ilang taon.

Isa rin siya sa nagpanukala na palitan ang mga katawagan sa mga opisyales ng samahan na nakasama sina Romeo Trinidad at Elito Circa na binuo naman sa CLSU Batchelors Apartment noong 1991, mula noon pinalitan ang katagang President ng Grand Artist, Vice-President na naging Deputy Grand Artist, Junior Adviser bilang Master Artist at Adviser bilang Grand Master Artist.

Kahit saan makikila ang si kuya ted sa CLSU laging nakangiti hawag ang camera at kukunan ka lagi. Maging mapagbiro at masayahin. Magaling na photographer ng Pamantasan ng Gitnang Luson at hindi mabilang ang mga kaibigan at mga tagahanga.

Ang buong samahan po ay nakikidalamhati sa pamilya ate, ninang Esmeralda clemente at Rico Joseph Clemente sa pagpanaw ng inyong mahal na tatay Ted.



See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC