Sundan mo ang mga yapak ng isang bata sa parang. Minsan siyang tumayo riyan at posisyon mo ay pinanghawakan. Hindi siya kakikitaan noon ng kahinaan at pagkalugi, bagkus ay larawan ng sigla, pag-asa at pagmamalasakit. Siya ay tumayong ilaw ng kapatiran at nagpamalas ng galing at talino. Huwag kang paanod sa mga salitang tila alon kung nanamnamin mo. Mahalin mo nang lubos ang nasasakupan mo. Tingnan mo sila nang higit sa kakayahan mo. Pagalawin mo sila nang naaayon sa kanilang potensiyal. Kailanman ay huwag kang pakasasa sa iyong sarili, huwag na huwag mong sambahin ang kinasasadlakan mo. Ang posisyon ay habang buhay na nariyan, ang tao ay nagpapaalam. Parati mong sambitin sa itaas upang ikaw ay gabayan at sila ay maging maligalig at nasisiyahan. Maaaring ikaw ang pinakamataas at may boses, subalit huwag mong takpan ang iyong mga taynga sa boses ng paligid mo. Huwag mo ring hayaang mabingi ka sa kanilang mga salita. Huwag mong talikuran ang mga nakababata at patuloy silang subaybayan. Pag-igihan mo ang pagiging matapang, matatag, malakas at panatag. Huwag kang padadaig sa takot, pagkabalisa at pagkaduwag. Hinding-hindi ka dapat magmagaling na lahat ay nalalaman mo. Hayaan mong may mapulot kang aral sa kanila at sila naman ay sa iyo. Sabayan mo sila sa pag-indak at hindi sila ang sasabay sa iyo. Ang mga kaalaman mo ay balewala sa pinagsama-sama nilang kaalaman at karanasan. Mahinahon mong subaybayan ang iyong tinig. Isa-pluma ang mga naiisip at naririnig. Ibahagi ang mga pinaka-makabuluhang bagay at ito ay pangahawakan. Malaya kang baguhin ang lahat o dagdagan. Subalit hindi ang ito ay bawasan. Kulturang nakasanayan at mga tradisyong napasakamay ay lagi nang tatandaan. Bilang pinuno ay isa-tala-arawan ang mga nararamdaman, nakikita, naririnig, naiisip at saka ito ay isa-bukambibig. Ang isang lider ay kailanman hindi katulad ng isang mangingisdang namimingwit sa laot. Ang pamumuno ay hindi pagputok ng baril sa hangin. Ano ang silbi mo? Ano ang magagawa mo? Kausapin sila nang maramihan o isahan batay sa hinihingi ng oras at kundisyon. Ipakita mong karapatdapat ka riyan sa iyong puwesto. Pangatawanan mo ang kapangyarihang iniatang sa iyo. Kapangyarihang mag-utos, mag-isip at umunawa. Huwag kang mag-uutos nang pauyam o pabalang. Huwag mong hayaang malason ang isip mo upang maging mapaglaro, intindihin mo ang sitwasyon ng paligid. Isa-isip at lagi nang isa-puso ang ikaw ay maging gabay. Ang isang nakatataas ay madalang magpasalamat. Ang isang tunay at kasiya-siyang pinuno , kailanman, hindi nagbabanggit ng patawad. Ginto ang pasasalamat at paghingi ng tawad. Parati mong baybayin ang mga salita at kilos mo. Ang isang aso at nauulol, kung mag-utos ay nakangiti. Pang-uuyam na nakaririndi. Maging panatag ka parati sa salita. Mahinahon subalit may lakas. Huwag na huwag kang aalis ng dilim nang hindi sila kasama. Hindi ka rin dapat umiwas sa problema. Lalong huwag mong solohin at palilipasin. Ikaw ang ulo, subalit pinakamahalaga ang pinagsamang sistema: gumagalaw na mga daliri at kamay, tumatakbong mga paa, katawang nakaagapay, tuhod, balikat at braso. Lahay ay dakila sa iisang layon. Lahat ay gumagawa sa kundisyong iyong ibinaon. Mahina sila kung mahina ka. Mapapagal sila kung mabagal ka. Pinakamainam, matibay sila kung matibay ka. Ikaw ang imahe nila. Sila ang imahe mo. Nararapat lang na bigyan mo sila ng importansiya. Hindi masisiya ang isa kung habang naghahabol ng hininga at pawisan ay makita kang paduyan-duyan lang. Wala ka rin dapat kampihan. Sa dulo ng iyong pagpapatakbo, makikita mo ang lahat ng pinagpaguran mo. Isang malaking premyo ang sila ay nagabayan at naturuan mo. Walang kapalit na pasasalamat ang sa kanila ay maririnig mo. Sapagkat kung lahat ng pinakamabuti ay natugunan mo, ang ibahagi ang kaalaman at pagmamalasakit, saan ka man madako, ito ay baun-baon mo.walang kapantay ang ligalig na sa kanila ay naihandog mo. Nguni at mas hindi mahihigitan ang dami ng natutunan mo sa kanila nang dahil sa kanila. yaon ay isang bagay na mas makapagpapa-ligalig saiyo.
|