ng Pilipinas
Amangpintor nagbahagi ng karanasan sa sining sa Bolinao Integrated School


Maaga pa lamang ay gumayak na ang mga estudyante ng Bolinao Integrated School sa Bolinao, Pangasinan upang makinig sa pagbabahagi ng kaalamang pansining at saksihan ang aktong pagpipinta ng tinag-uriang ama ng Indigenouism art at kilalang "hair and blood folk painter" ng Pilipinas na si Elito Circa o mas kilala bilang Amangpintor.

Sa unang bahagi, ipinakilala ni Ginang Rogean C. Caasi - punong guro ng paaralan - ang panauhing tagapagsalita, sa simula ibinahagi ni Amangpintor ang kanyang karanasan kung paano siya nagsimula sa larangan ng sining mula noong walo (8) taong gulang pa lamang siya, ang kanyang mga paglalakbay at ang kanyang paniniwala sa buhay na pinaghuhugutan ng ediya, istilo at lakas ng loob. Sinagot niya ang ilang katangungan ng mga estudyante.

Sa ikalawang bahagi, ipinakita niya ang aktong pagpipinta gamit lamang ang kamay, daliri at kuko sa pamamagitan ng apat na kulay (pula,asul, dilaw at puti) at tinapos ang tatlong larawang pinta sa loob ng limang (5) minuto. Halos maligo na sa sariling pawis si Amangpintor sa kapipinta at pagpirma sa mga ang ilang drawing board na kahilingan at dala ng mga bata.

"Ginanahan akong magbahagi kasi halos lahat ay nakikinig at tumatawa sa mga simpleng jokes ko" ayon kay Amangpintor.

Sa huling bahagi, inanyayahan siya ng mga guro sa pangunguna ni Bethsheba Camba sa isang room ng Senior High shool upang pumirma sa isang mural painting na ginawa ng mga estuyante.





See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@acpfi.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC