ng Pilipinas
Kauna-unahang Wilfredo Personal Essay Writing Workshop ginanap


Sinimulan sa unang pagkakataon ni Wilfredo Pascual, Jr. ang kanyang Personal Essay Writing Workshop na ginanap sa Willi's Place, Abar 2nd, San Jose City, Nueva Ecija. Ayon sa kanya, nais niya na taon-taon na itong gawin upang makapag-ambag ng siya diumano ng kaalaman sa mga kapwa niya manunulat.

Ilan sa mga napiling lumahok mula sa pagsasala sa mga isinumite na essay ay sina Rogene Gonzales (Solano, Nueva Vizcaya), Marius Carlos Jr. (Cabanatuan City), Maui Mangawang (UST), Ryan Machado (Quezon City), Maki Bajit (PhilRice), Elika Circa (San Jose City), Adelma Salvador (San Miguel, Bulacan), Paulino Cuison (Dagupan City), Rai Aldrin Salvador (Cauayan, Isabela), Lorraine Badoy (Quezon City), Princess Calacala (BSU), Ken Jovy Rivera (Rosales, pangasinan), Neil Cirilo (CLSU), Maria Bella Rodriguez (Munoz, Nueva Ecija), Kristelle Jimenez (Liliw, Laguna) at Franco Pineda (CLSU Senior High).

Ang proyekto ay naging maayos at matagumpay sa tulong ng kaniyang mga kaibigan na pinangungunahan nina Teresita Circa, Elito Circa, Cesar Macalinao na mga miyembro ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc., Mercedes Blancas, Liza Ciencia and Hart Mendoza na kaniyang pamangkin. Lubos rin siya na nagpapasalamat kina Antonio Co, Mayor Cocoy Salvador at Caroline Muncal sa ilang tulong na naibigay.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@acpfi.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC