ng Pilipinas
Pagsilang ng bagong sangay sa bayan ng Rosales

Agosto 25, 2013 - isinilang ang bagong sangay ng Samahang Makasining o “Artist Club” sa bayan ng Rosales, Pangasinan. Dinaluhan ito ng mga guro at mga estudyante sa naturang lugar at pinasinayaan ng mga alumni ng CLSU Artist Club na sina Orlando Pingson na tumatayong taga-payo o Grand Master Artist ng naturang sangay at nina Elito Circa bilang punong tagapagtatag, Roberto Ramos kasamang tagapagtatag at Frank Monje bilang tagapagtatag at Junior Adviser o Master Artist, punong abala sa pagsasaayos upang matagumpay na maitatag ang naturang sangay.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin at sinundan ng pagpapakilala sa mga tagapagpadaloy. Nagbigay rin ang paunang pananalita si Rolando Pingson, pagpapakilala sa samahan at kasaysayab nito na ginampanan ni Robeto Ramos at pagbabahagi ng kahulugan at pananaw sa sining ni Elito V. Circa o Amangpintor.

Sumunod rito ang pagtanggap at pagbibinyag sa mga bagong kasapi na tradisyon nang ginagawa ng samahan. Naging maayos, kongreto at tahimik ang mga sumnod na programa. Narito ang mga bagong kasapi at mga pioneers ng Artist Club Rosales Municipal Chapter; Flora P. Macaraeg, Norelyn M. Elegarlo, Wilmart S. Casareno, Carlina E. Velicaria, Mary Ann L. Tamayo, Rosalie A. Tolentino, Imelda B. Macaraeg, Joseph L. Montoya, Alfredo G. Monje, Marcelo A. Tamayo, Jorqie M. Brojan, Jeanette C. Alcantara.

Kasabay nito ay ang pagtatatag ng Young Artist Club sa Guling-Coliling National High School at narito ang mga estudiyanteng mga kasapi na ang samahan; Monica C. Cabbab, Britz Shena B. Rous, Jewel Kule Monje, Marjorie M. Raquel, Rochelle Riuera, Sheila Mae Cabanes, Melanie Finez, Christine Joy Menedetar, Reeup Natalio, Kimberly Dyan Olidan, Jeamarex Cabanes, Marielg S. Cabayan, Beverly J. Sinense, Joshua Lj Monte, Charles Ryam T. Olidan, Judy-Ann Balino, Riazlina Javien.

Ang lahat ay sama samang kumain sa iisang hapag kainan na may iba`t ibang putahi ng ulam tulad ng mga isdang inihaw na may kamatis at alamang, mga gulay at special siomai na produkto ni ginoong Pingson na sadyang nakakabusog sa tingin palang dahil sa dami at masasarap na tanglay nito.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@acpfi.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC