Artist Club
Sampung paraan sa pagtitipid ng gas
(by www.familycar.com  8/22/2006)

Ang konsumo sa gasolina ay isang puwersa na wala sa ating kontrol. Ang motorista ay alipin sa dikta ng walang habas na pagsirit na presyo ng panggatong sa merkado.

Ang mga sumusunod na paalala galing sa familycar.com ay simple subalit hindi matatawaran ang halaga at tulong sa ordinaryong drayber kung isasakatuparan. Ito ang 10 kapaki-pakinabang na tips para makatipid sa gaso-lina:

1. Marahang i-start ang makina. Ang tinatawag na ''jackrabbit starts'' o biglaang pag-start ng engine ay malakas kumunsumo ng gasoline. Iwasan ito, pati na rin ang biglang tigil ng makina na nakasisira rin ng piyesa sa sasakyan.

2. Ugaliin ang pag-iinspeksyon sa iyong sasakyan. Magtakda ng espesipikong araw kung saan isasagawa ang ''car care'' gaya ng pagpapalit ng langis at maruming air filters, kasabay na ng pagpapalit ng lumang spark plugs. Mag-change oil at inspeksyunin ang filters kada 3,000 milya para sa magandang pagpapakundisyon ng kotse.

3. Delikado ang kulang sa hangin na gulong. Magastos din ito. Pinahihirapan nito ang makina, malakas makasira ng gulong at mas aksayado sa gasoline. Ganoon din sa misaligned wheels, sirang wheel bearings o may diperensyang preno, mas malakas ng 10 porsiyento ang konsumo nito sa gasoline.

4. Bagama't lahat ng kotse ay umaandar sa regular na fuel, kilalanin pa rin ang iyong sasakyan. Alamin ang hiyang na gasoline para rito at gamitin ang octane na idinikta ng carmaker.

5. Bawasan ang paggamit ng aircon. Kung mahangin naman sa labas, puwedeng buksan na lang ang bintana.

Kung maginaw naman ang panahon, 'di na rin kailangan mag-aircon. Kapag tirik ang araw at mainit ang panahon, pumarada sa lilim at buksan ang bintana para lumabas ang mainit na hangin.

6. Huwag gamitin ang iyong compartment bilang taguan ng mga hindi mo naman kailangang bagay sa pagbibiyahe. Nakadadagdag ito sa bigat at konsumo sa gasoline.

7. Umiwas sa matatrapik na daan. Ang sikreto ay umalis ng maaga at magplano.

8. Magmaneho ng tama. Una bagalan muna ang takbo. Ang pagtakbo ng 65 mph ay kumakain ng 15 porsiyento ng gasoline kaysa 55 mph, katulad ng 70 to 75 mph na mas makunsumo ng 25 porsiyento. Ikalawa'y gumamit ng parehong bilis o cruise control.

9. Planuhin ang paggamit ng sasakyan. Magastos ang maiksi subalit madalas na pagmamaneho. Isabay-sabay ang biyahe para sulit ang takbo ng kunsumo ng gasoline.

10. Sa umaga magpagasolina. Rason: mas malamig sa umaga at ang mas malamig na gasoline ay mas malapot (dense) at mas marami. (Ace Pasco)




See more Tips
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC