Artist Club
Nelson sa Programang "Wish ko lang" ng GMA7
(by Minggan  1/8/2004)

Muli na namang bumukas ang matulunging palad ni EYSI (ang samahan).

Ang munting pangarap ng isa sa mga kasapi ng samahan ay nagkaroon ng katuparan dahil sa liham ni Oliver B. Bautista, Executive Director ng Samahang Makasining(Artist Club), Inc. sa GMA7 "Wish Ko Lang".

Ang "Wish ko lang" ay makabuluhang proyekto ng GMA7 sa TV at naglalayong tumulong sa mga nangangailangan na salat sa buhay. Si Nelson Buisel isang mahusay na mang-aawit at kompositor at kasapi ng Samahang Makasing (Artist Club), Inc. San Jose City Chapter ay mapalad na natupad ang matagal nang pangalap; (1) ang magkaroon ng Mamahalin at magandang Accoutic Guitar. (2) At makadaupang palad at makapareha sa tugtugan ang idolong si Noel Cabangon.

Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay natupad noong Ika-7 ng gabi sa 70 Bistro, Quezon City, Manila at may bunos pa na full scholarship grant (Mula sa INFOTECH) sa kolehiyo para sa kanyang nagiisa at mahal na anak. Hinilingan din siya na awitin ng sariling niyang gawa ang "Sana'y ikaw", "Larawan ng Tuwa" at "Grupuhan" at ang lahat ay namangha at humanga sa ganda ng awit at boses. Mapapanood ang kaganapan ng Wish Ko Lang sa ika-10 ng Enero 2004 (Sabado 2:00 ng hapon).



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC