Artist Club
Alay pagtuturo ng Sining sa Camiling, Tarlac

Noong ika-14 hanggang 15 ng Agosto ginanap ang isang pag-aalay turo ng sining sa Camiling Elementary School sa pangangasiwa ng TCA Chapter sa pangunguna ni Ginoong Carlito N. Lagman at sa tulong ng CLSU Artist Club, CTC Artist Club at ilang Board Opisyal ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Ang proyekto ay dinaluhan ng humigit-kumulang sa 90 kabataang mag-aaral at 20 magulang na nagmasid sa kaganapan. Tugon ng mga magulang sa proyekto ay ang labis na pagpapasalamat sa mga tumulong at sa mga nagturo ng kahalagahan ng sining. Hirit pa nila na sanay maulit pa sa mga susunod na mga araw o gawin na itong regular sa bawat buwan na darating.
Layunin ng proyekto na maihatid ang diwa ng sining hindi lang sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan kundi lalo sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan. Dahil naniniwala ang samahan na ang ikakaganda ng lipunan at pag-unlad ng bayan ay nasa kamay ng mga batang makasining na mulat sa kahalagahan ng kalikasan.




See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC