Artist Club
Bagong Municipal Chapter sa Cabanatuan City Binuksan

Ang Samahan ay may limang (5) sangay sa Cabanatuan City ito ay ang Artist Club NEUST Chapter, Artist Club AU Chapter, Artist Club WUP Chapter, Artist Club Caricatura Chapter, at Young Artist Club AU-HS Chapter.


Sa unang pagkakataon inilunsad ang pagtanggap sa bagong pambayan na sangay ang Cabanatuan City Chapter, isang sangay na binubuo ng mga alumni ng AC at mga propisyunal. Ang pagtanggap ay ginaanap sa Prime Resort, Brgy Mampulog, Cabanatuan City noong ika-24 ng Mayo, 2003 sa pangunguna nila Allan Yuson at Aldren sa tulong ng Board of Trustees ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc.


Ang pagtanggap ay isinagawa ng masining naparaan alinsunod sa batas at gabay ng pagtanggap. Kaalinsabay nito ang pansamantalang paghirang ng mga opisyal ilan dito ay si Mr. Bautista (guro sa NESHS) bilang Grand Master Artist.


Ang Panumuan ng Board of Trustess ay umaasang ipagpapatuloy ng bagong propisyunal na sangay ang adhikain ng samahan, ayon kay Chairman Elito V. Circa "ang bawat alagad ng sining ay may tungkolin sa mundo at nagsisilbing tagapagugnay ng kalikasan at KATAASTAASAN"



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC