Artist Club
Larong Usa-usa
(by Elito V. Circa  12/6/2008)

Ang bayan ng Pantabangan ay binubuo ng mga tribung Idules at mga Ilongot (bungkalot) noong unang panahon. Paghuhuli ng usa at baboy ramo ang pangunahing gawain ng mga tribu rito lalo na ng mga ilongot. Dahil sa galing ng ilongot sa paglakad na walang ingay sa lupa man o sa damuhan kahit may tuyong dahon na naaapakan, nalalapitan nito ang usa na hindi nararamdaman ng hayop. Sa ganitong paraan nahuhuli nila o napapana ang usa, mas higit na masusubok ang galing ng isang humuhuli kung ito ay hahabulin at mahuhuli sa pamamagitan ng kanilang kamay. Ginagawa rin ito bilang palaro ng tribu.

Sa ganitong paraan, maaaring sumaisip sa mga bata noon na gayahin ang istilo ng laro ng kanilang mga magulang upang gawin bilang laro ng mga bata.

Ayon kay Ber Dela Merced ang usa-usa na laro ay may pagkakahambing sa taguan-pong ang pagkakaiba lamang ay ang paraan ng pagtaya. Sa paremanuhan ang talo ay magiging taya at siyang pipikit habang nakaharap sa isang puno o dingding ng bahay. Bibilang ang taya ng hanggang sampu upang magsitago na ang mga hahanapin. "Bibilang ako ng sampu nakatago na kayo.. 1.. 2.."

Maghahanap na ang taya, kapag nakakita ito ng tatayain hahabulin ito hanggang mahawakan at mag-uunahang babalik sa puno o dingding ng bahay upang humawak, kung sino ang mahuling humawak ay siya ang susunod na taya.





See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC