Artist Club
Paglabas ng Samahan sa Kahon
(by Rey R. Lorenzo  5/10/2009)

Masyado na tayong nakakahon sa mahabang panahon. Nakakahon tayo sa pangamba na baka di tayo pansinin... baka di natin kayanin ang hamon ng sining kasi pakiramdam natin mas magaling sila at mas makaranasan... baka mapahiya tayo dahil di tayo kilala at baka iyong angking sining na bitbit natin eh ibasura.

Ngayon na ang oras ng paglabas sa kahon, ngayon pa lang ay harapin ang hamon at gawin nating hamon ang mga ito. Ihanda na ang pagsaliksik sa mga bayani ng bayan natin sa nueba esiha. Mga tago at limot na katipunerong nagbuwis ng buhay para sa novo esihano.

Buksan ang aklat ng kasaysayan ng mga bayani sa lalawigan ng Nueba Esiha at ipagsigawan sa Pilipinas na ang katipunerong ito ay kababayan ko at dapat ipagmalaki. Sa paanong paraan natin gagawin ito simple lang, gagawa tayo ng obra ayon sa midyum na kinasanayan at nadiskubre natin. Kaya maaari ang oil, acrylic, o di kaya mga sariling midyum na tulad na nadiskubre ni Mark Libunao (garlic) at ang bagong diskubre ni Estong Rimocal (molasis) na pawang miyembro natin, tinatawag rin ito ni bro Tolits na "Indigenouism Art" o Panahon ng Indigeyunismo Sining. Tatlo ang paksang pamimilian natin.

1. UNANG SIGAW SA NUEBA ESIHA. (Tribute para sa katipunero ng nueba esiha at mga landmark ng Unang sigaw)

2. OBRANG LARO (Laro ng lahi natin)

3. BASURA KO OBRA KO (Eksperimento tayo ng mix media art na galing sa upos ng yosi, plastics (styro, plastic bags, diaper, balot ng kendi, ice/ice candy plastic, straws). Paraan ito para maging obra ang basura kesa pulutin at sunugin na isa ring dahilan sa global warming o pagkasira ng ozone layer.

Ito ay gagawin natin sa sukat na 24x28 at ipasa ito sa buwan ng Agosto, 2009 sa bawat chapter natin o di kaya sa opisina ni Bro. Ces sa San Jose City na ayon sa aming napagusapan ay pansamantalang GALERIA NG SAMAHAN. Ito ay gagamitin natin na exhibit sa NCCA office sa madaling panahon.

Sige labas na sa kahon at ipakita ang galing mo!



See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC