Artist Club
24th AC Founding Anniversary 2006

Science City of Muņoz - kung saan naganap ang isang malawakang pagtitipon upang gunitain ang ika-24 kaarawan ng pagkakatatag ng Artist Club. Dinaluhan ito ng mga alumni ng Artist Club mula sa iba't ibang sangay sa kolehiyo at mataas na paaralan at ng ilang kasapi na mula sa sangay sa ilang bayan.

Ang pagdiriwang ay kinapaluuban ng ''Laro para sa mga bata'' sa umaga kung saan dinaluhan ng mga 15 bata at ginabayan ito ng Jocel Clown na mula sa San Jose City sa pamamagitan ng mga palabas tulad ng mga magic, jokes, palaro at ilang mga sayaw. Halos hindi magkamayaw ang tuwang nadama ng mga batang dumalo at sumali sa umagang palabas ng mga clown (payaso)

Sinundan ito ng ''gabi ng sining'' kung saan nagkatagpo ang ilang magkaka batch at nagkakilala ang mga kasapi sa bawat sangay. Kinatampukan rin ito ng ilang pananalita mula sa mga alumni at ilang lider ng iba't ibang sangay ng samahan.

Hindi rin magkamayaw sa galak ang mga kasapi sa mga palaro at pa premyong t-shirt at iba pang souvenir items. Ang ilan ay kuntento na sa panunuod habang umiinom at ang ilan naman ay kuntento sa paliligo sa swimming poll.

Ang pagdiriwang mula 7 ng gabi ay natapos ng 6 ng umaga sa pamamagitan ng EYSI band at ilang mang-aawit samahan.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC