Artist Club
Arayat muling dinalaw
(by Ryan Cacayan  5/1/2006)

Isang paraan ng samahan ang paglalakbay sa mga lugar na makasaysayan, upang lalo pang maging bukas ang isipan ng isang alagad ng sining…

Noong nakaraang ika-21 hanggang 22 ng Enero taong kasalukuyan, ay nagsagawa ng isang aktibidad ang samahan, napagkaisahan na umakyat sa bundok ng Arayat, isang makasaysayang lugar sa gawing Pampanga, kabilang dito ang dalawang sangay ng samahan mula sa CLSU ay si Brod. Caca at Von, mga kasapi ng NEUST na sina Sis Claire,Brod Harvey, Renjay at Lucky. Naging layunin ng akyat na ito na tuklasin ang kagandahan ng nasabing bundok, naging madali para sa tagapag-ayos na malaman kung ang mga makaksama ditto dahil na rin tagal na itong plano ng samahan, bagamat alam na ng isang Bro dang lugar ay gusto pa rin nitong ibahagi ang natatagong kagandahan ng lugar.

Bandang ika 6 ng umaga, nagkita ang dalawang brod sa Main Gate ng CLSU upang tumungo sa lungsod ng Cabanatuan kung saan naghihintay ang iba pang mga kasama sa lakbay-aral na ito, dahil sa ang iba ay wala pa, pagdating sa harap ng pamantaasan ng NEUST kung saan ang lugar ng hintayan, dahil nga wala pa ang iba ay naupo muna para sila ay hintayin, at nang kumpleto na ay nagkaisa na bumili ng kailangan gamit sa taas ng bundok tulad ng; pagkain, kandila, kape posporo at iba pa. Pagkatapos nito ay nag-abang na ng sasakyan para hindi tanghaliin sa paglalakad, sa terminal na kami nakakita ng isang bus upang sumakay papuntang Arayat. Habang nasa biyahe ang lahat ang masaya at ang iba naman ay sinamantalang matulog, dahil na rin siguro medyo malayo din ang babagtasin ng sasakyan.

Pagdating sa lugar, kailangan munang sumakay ng tricycle papuntang sa paanan ng bundok, kung saan matatagpuan ang opisina ng DENR na siyang nangangalaga sa kagandahan ng lugar, dito kailangang magparehistro para na rin sa siguridad at kaalaman ng tagapangalaga. Sa tulong ng mga tao doon ay nagging madali sa mga kasapi ang maghanda para matagalang paglalakad. Dahil na sa kulang ang aming dalang tubig, ay pinahiram kami ng tagapangalaga nito ng mga gamit upang lagyan ng tubig na dadalhin sa tuktok ng bundok. At ang sabi ay kailangan daw naming magbayad ng isang Guide upang kami ay hindi maligaw sa halagang P500, pero dahil na rin mga mag-aaral lamang ang aking kasama ay napilitan kaming umangal na umabot nalang sa halagang P200, bukod pa sa bayad indibiduwal ng P20, para naman daw ito entrance.

Sa umpisa ng aming paglalakad ay masaya ng binabagtas ang makahoy ng lugar, katuwang ang init ng araw na tumatagos sa kaligatang balat, sapul ng unti-unting paglamig na samyo ng hanging bundok. Magkahalong saya at pagod ay ramdam ko sa bawat isa sa aking mga kasama, dahil na rin sa mga nakikita kong reaksyon na mababanaag sa kanilang mga mukha, sabay sa pagpatak ng magkahalong lamig at init ng pawis. Naging madali sa amin na hanapin ang bawat daanan sa tulong ng bayad ng guide, bago naming marating ang kalahati ang nagpasya ang karamihan ng huminto at magluto upang kumain, nagpasya na rin na humiwalay at umuwi ang nasabing guide. Sa pangunguna ng isang brod ay naging madali ang pagluluto….kumain…...nagpahinga…at pagkatapos nito ay nagpasyang ipagpatuloy ang paglalakad…kaunting lakad mahabang pahinga….ganito ang makikitang kalagayan ng bawat isa. Habang kami lumalayo ng lakad, lalong lumalamig ang simo'y ng hangin. Ang tanong ng iba ay malapit na daw ang aming paroroonan, ang sabi na lamang ay malapit na din pero paraan lamang iyon upang hindi sila umatras sa lakad. Bago kami dumating sa gawing kalahati ng lakarin ay bumulaga na sa amin ang malalaking tipak ng mga bato at matarik na aakaytin..muli kaming nagpahinga upang ihanda ang bawat isa sa ganitong uri ng lakad..halos sumuko na ang iba ngunit patuloy pa rin paglalakad. At nang kami ay nakaramdam ng pagkauhaw ay pilit na inapuhap ang lagayan ng mga tubig upang lumunok ng kahit unti para mabasa ang lalamunan ng bawat isa…..lakad………inum…itong paulit-ulit na ginawa ng bawat isa..dinaan ko na lamang sa kuwento at patawa ang lahat para maibsan ang kanilang pagod. At pagdaka'y bumulaga sa aming isang malaking tipak ng patag na bato, dito muna kami humimpil at nagpahinga, sabay kuha ng mga larawan bilang alaala sa nasabing lugar.

At sa pagpapatuloy ng aming paglalakad ay ramdam na ng bawat isa ang lamig ng paligid, nanunuot sa pawisang balat. Sa hapong katawan ay di maiwasang igaya sa batong nadadanan upang magpahinga, kasabay ang paglunok ng tipid na patak na tubig mula sa lalagyang plastic. Habang ang mga daraanan ay pahirap ng pahirap, nakahambalang na naglalakihang puno ng kung anong klase ng kahoy, at tinik na dulot ng yantok.

At pagdating sa tuktok ng bundok na siyang tinatawag bilang camping site, ay gayon na lamang ang kasiyahang naramdaman ng bawat isa, naghanap ng isang lugar na siyang magsisilbing taguan para sa mga gamit, upang puntahan ang isang tanawin na kadugtong ng bundok, ito ay isang pambihirang lugar kung saan napapalibutan ng mga ulap na halos hindi tanaw ang kapaligiran,pagkatapos nito ay bumalik ang lahat sa lugar, napagkaisahang hatiin ang bawat gawain para lalo pang mapadali ang mga gawain tulad ng patatayo ng tent,pagluluto ng pagkain, pahahanap ng kahoy upang gamitin sa pagluluto ng pagkain at upang panlaban sa tindi ng lamig. Pagkatapos maluto at kumain, dahil sa tindi ng lamig at pagod nakatawan ay maagang nagkaayaan na matulog na at magpahinga.

Kinabukasan ay maagang sinalubong ng bawat isa ang kagandahan ng bukang liwayway at samyo ng malamig na hamog, pakatapos magkape ay tumungo ang grupo sa isang lugar na nalulukuban ng makapal ng hamog na halos hindi na maaninag ang paligid.

Mataas ang haring araw ng kami'y nagpasyang maglakad pababa, magkahalong pagod at saya ang aming nararamdaman. Dala ang saya at hirap sa pagsuong sa magubat na lugar, alintana ang bangis na dulot ng kalikasan. Habang papalapit kami sa baba at paanan ng bundok ay ramdam muli ang init ng paligid sa naglalahong lamig. Nang kami ay dumatal na sa DENR ay nakiusap na makiligo at maglinis ng katawan para sa biyahe. Pagkatapos ng lahat ay nagkaisang lisanin na ang lugar at tunguhin ang tulay upang magpakuha ng larawan sa likod nito ay bundok kung saan naramdaman ang hapo at pagod sa katawan. Pagkatapos nito ay napasyang mag-abang ang grupo ng sasakyan pabalik sa kaniya-kaniyang lugar at tahanan na dala ang tuwa at saya, kasama ang ngatog ng kalamnan at kasu-kasuhan sa hindi malilimutang karanasan magpakailanman.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC