Artist Club
17 Artist naging mga Reporters
(by Romy Sevila at Danny Talplacido  6/7/2005)

Basic Journalism Workshop Ginanap

Mga Dumalo.. see photos
MATAGUMPAY na naisagawa ang isang araw na BASIC JOURNALISM WORKSHOP/SEMINAR na inilunsaaad ng isang non-government organization (NGO) na siyang humubog at naging gabay ng may 17 artists na ngayo’y mga bagoong journalists bilang unang hakbang sa nalalapit na pagsilang ng isang pahayagan ng sining at kultura sa Central Luzon na ginanap noong Mayo 29, 2005 sa Conference Hall ng City Health Luzon Center, San Jose City, lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa pambungad na mensahe ni Elito V. Circa, Chairman ng Board of Trustees ng SAMAHANG MAKASINING (Artist Club) Inc., ang seminar ay ang paunang yugto upang mailunsad ang isang natatanging pahayaganng “SAMAKASINING”- Sulyap sa Sining at Kultura. Sinabi niyang ang mga sangay o chapters ng SMI-AC ay lumalaganap na sa maraming lalawigan at rehiyon sa Pilipinas maging sa ibang bansa tulad ng London na kung saan ay inorganisa ni Oliver B. Baautista na dating Executive Director ng samahan. Ayon pa sa kanya, bilang panahon ng kompyuteresasyon, unang nailunsad sa pamamagitan niya ang naging daluyan ng impormasyon ukol sa samahan ang internet at e-mail na malayang nakakaabot sa iba’t ibang bansa. Inaasahan natin, aniya, ang pakikipagtulungan ng LGU, Provincial Government, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sector.

Ang naging tagapagturo o lecturer ay si Romeo “Ping” Sevilla, dating broadcaster at radio Correspondent, local at national newspaper correspondent, editor, publisher at columnist. Bilang isang artist, siya ang itinuturing na nagkaroon ng Art Shop sa San Jose City bago pa man pumasok sa Media, na kung saan ay aktibong adviser ng samahan. Si Sevilla ang magiging Editor-in-Chief ng ilulunsad na newspaper sa hinaharap.

Naging tampok sa naturang seminar/workshop ang masusing paghahanda ng mga artists sa magiging bagong daigdig ng pagsusulat, pagsasaliksik at pag-uulat sa pahayagan. Sinanay na mabuti upang maging responsableng mamahayag, may damdaming makabayan na pangunahin sa ikatitingkad ng kultura at sining ng bansa. Napag-alaman din sa pagtuturo ang mga naging participants na magiging asset at hindi liabilities ng samahan bilang mga bagong miyembro sa itinuturing na Fourth State ng ating republika, ang Mass Media.

Ang proyektong naganap ay pinangasiwaan at naging tagapag-ugnay si Angelo Jose A. Gania, Executive Director, na sinuportahan nina Isagani Carlos, Pangulo, Ramon Lopez, Pangalawang Pangulo at iba pang opisyales ng Artist Club, San Jose City Chapter.

Nagpahayag ng pasasalamt si Carlos sa kanyang maikling mensahe. Ayon pa sa kanya, ito ang susi ng malaganap na impormasyon sa pamamagitan ng print media sa pagitan ng gobyerno at pribadong sector na ang makikinabang ay ang sambayanan, particular na ang mga estudyante at mga kabataan sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

Sa pangwakas na mensahe ni Oliver B. Bautista, kinatawan at tagapangulo ng London Chapter, patuloy na dumarami ang bilang ng mga miyembro sa bansang London at nakapagtanghal siya ng One-Man Art Exhibit na tinangkilik sa naturang lugar. Sinabi pa niya ang mga pangyayari sa kanyang bagong destinasyon ay kanyang maipaparating agad sa pahayagang SAMAKASINING sa pamamagitan ng internet at e-mail.

Ang lugar ng nasabing workshop ay sa kagandahang loob ni dr. Raul Agliam na siyang namamahala sa naturang Conference Hall.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC