Artist Club
Muling Pagtatagpo at pagbuo ng RiACT
(by amang  6/1/2005)

Panunumpa ng mga bagong mamuno..
see photos
Rizal, Nueva Ecija - Ilan sa alumni ng Young Artist Club Teatro ng Rizal High School (YACT-RHS) ay nagbalangkas ng plano upang ganapin ang kauna-unahang reunion ng kanilang sangay. Naisakatuparan ang 'Muling Pagtatagpo - reunion' noong ika-23 ng Abril, 2005 sa Orchard Resort, San Jose City, kung saan dinaluhan ito ng lahat ng batch ng YACT-RHS.

Ang naturang pagtatagpo (reunion) ay naisakatuparan sa tulong ng ilang mga propesyunal na mga kasapi na mula sa Rizal at sa tulong pinansyal ng mga kasapi na nasa ibang bansa.

Isa sa layunin ng pagtatagpo ay ang pagbuo ng matagal na nilang minimithi ang pagtatatag ng Rizal Artist Club Teatro (RiACT). Ang pagpapatibay ng pagtatatag ay pinasinayaan ni Ginoong Elito V. Circa Board Chairman at ilang kasaping tagapagpayo ng sangay.





See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC