Artist Club
Minggan kinilala na sa bayan ng Pantabangan

Pantabangan, Itinayo kamakailan lamang ang kauna-unahang Arko ng Pantabangan sa pag-itan ng baryo Ganduz at bayan ng Rizal. Ito ay pinasinayaan ng Mayor ng Pantabangan na si Lucio Uera kasama ang ibang Sanguniang Bayan. Ang pagtatayo ng arko ay pinangunahan ni Arch. Rommel Dullas para sa design ng arko, Romulo Dullas para sa paglililok at Elito ''amangpintor'' Circa para sa orihinal na imahen, sulatin tungkol sa ''Alamat ni Minggan'' at bilang taga-patnugot.

Ang arko ay makikitaan ng rebulto ni Minggan na humahatak ng kareton na may mga batong malalaki sa bandang taas ng arko at may nakasulat na ''Ang bayan ni Minggan''. Makikita rin ang pangalan ng may akda at mababasa ang Alamat ni Minggan sa marmol na bato sa haligi ng arko.

Bago ang taong 1987, kung babalikan ang nakaraan, wala pang nakakaunawa sa tunay na kahulugan ng ''Alamat ni Minggan'' at kung ano ang kaugnayan nito sa bayan ng Pantabangan. Sa panahong iyon, naging masidhi ang kagustuhang ipamulat ni Amangpintor ang kahalagahan ni Minggan sa bayan sa pamamagitan ng kanyang page-exhibit ng mga gawang larawan o painting na may imahen ni Minggan, kahit sa sariling bulsa manggaling ang gagastusin ay itinuloy parin ang pinapangarap. Bago pa man siya nagdaos ng unang-exhibit sa bayan ng Pantabangan, marami na siyang naging exhibit sa iba't ibang pamantasan, sa ibang bayan at sa buong mundo sa pamamagitan ng internet na lingid sa mamamayan ng Pantabangan ay nakilala na si Minggan sa pamamagitan ng mga pinta ni amangpintor.

Taong 1988, unang paglalakas loob na page-exhibit sa bayan ng Pantabangan ay sa lugar ng Siant Andrew's School at sa gusali ng Pamahalaang bayan (1993) at naging masidhi pa ang pag-unawa at pananaliksik niya noong taong 1995 dahil sa implowensya ni Wilfredo Pascual, Jr. at ng Artist Club Philippines.

Taong 2001, naulit pa ito sa Hall ng Basket Ball Court ng bayang Pantabangan, subalit ang ilan ay hindi ito pinapansin at maraming nagsasabi na kinatatakutan nila si Minggan dahil ito ay isang engkantado at negative ang tingin nila rito.

Taong 2003 muling naglakas loob si Amangpintor na ipakita sa madla ang tungkol kay Minggan, ginawan niya ito ng script para sa teatro at ipinalabas sa Pantabangan Gym (bukas sa lahat) bilang suporta sa buwan ng sining na pinuduhan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Taong 2005 Naipatala ni Amangpintor ang pangalan si Minggan sa National Library of the Philippines bilang copyrights at sa Internation Copyright law sa pamamagitan ng internet. Ngayong taong 2006, muling nag-update at nagdagdag pa ng mga isinumiti ukol sa mga imahen ni minggan.

Taong 2006, isang parti ng pangarap ni amangpintor na itayo ang pinakamataas na rebulto ni Minggan ang unti-unting natutupad, ito ay ang makita si Minggan sa akto at nahahawakang imahen. Ang arko at pahayagan ng bayan sa pamamagitan ng Turismo ng Pantabangan na Minggan ay mga bahagi ng katuparan at palatandaan na kinilala na ng bayan ng pagsasakripisyo ni Minggan at pagpapakahirap at pagmamahal ni amangpintor sa bayan.

Nobyembre 29, 2006, Lubos pang naunawan ng mamamayan ng Pantabangan ang kahulugan nito dahil narin sa 25 minute video documentary (DVD CD Format) na ginawa ni amangpintor. Sa tulong nina Dr. Augustus Caesar Uera, Laurenda Santos at tanggapan ng Turismo naipalabas ito sa gabi ng barangay (''Barangay Night'') pistang bayan. Ito ay video ng kasaysayan ng bayan bago pa man naging bayan, bago naging kristiyano ang mga ilongot at baluga na nakatira rito, mga bayani ng bayan sa panahon ng kastila at hapon, kaganapan sa pagpapalubog, paglikas sa lumang bayan patungo sa bagong bayan, kaugnayan ni Minggan sa kasaysayan at hanggang sa pagunlad ng bayan sa kasalukuyang panahon.

Mga pinta ni Amangpintor tungkol kay Minggan at sa bayan ng Pantabangan, matatagpuan dito http://www.amangpintor.circa-ph.com



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC