Bahay kubo kahit munti! Madalas puntahan ng munting daliri Dati-rati di mapakali Mistulang pusang di maiihi.
Ngunit isang araw ng pamamasyal Naligaw at napunta sa ibang bahay Luwa ang mata at tulo ang laway Sa dami ng mga bisita sa bahay.
Ahh! napatagal ang pamamasyal Nakalimot bumalik sa dating bahay Lalo't nakita ang iba pang kabahay Na tila natuwa pa at panay ang kaway
Bahay kubo kahit munti! Naalala kong bigla at muling nasilip Maalikabok na at puno na ng agiw Nakakahiya at nagising sa pagkaidlip.
Binuksan nga muli Mga daliri ay unti-unting naaliw There's no place like home! Sabi nga sa salitang English.
Ang Facebook at Twitter! Maalis din 'yan later Bagong trend laging mag-aapear Ngunit ang bahay kubong munti Patuloy na mananatili.
|