Artist Club
Glee
(by eli-ment  10/20/2010)

Araw ng linggo.



Hindi ako naglalako ng tinapay at balot sa araw na ito kaya naman ang oras ko ay nakatuon lang sa pagbabasa ng electronic bible (oo naman) at syempre pa, pagkatapos ng ilang minutong pagninilay, surf all you can na ako sa internet!



“ang buhay nga naman, hindi mo alam kung saan ka dadalhin nito” nagmumuni ako habang pinapanood ang ‘glee’ sa youtube. Iimaginin ko na sana na kasama ako sa glee (naalala ko kase ‘yong sinabi ng isang paranormal psychologist na kung gusto mong makamit ang isang bagay ay imaginin mo lang na nangyayari ito sa iyo) nang mapatuon ang aking pansin sa nagkakantahan sa labas ng aking munting barong-barong.



Nag-iinuman nanaman itong si Mang Bayani at ang kanyang grupo. Mula sa maliit na bintana ay tanaw na tanaw ko sila. Masaya at parang kontentong kontento sa kanilang ginagawa�"ang mag-inuman. As usual, itong si Crispin ang gitarista (dati raw siyang member ng banda sa kanilang eskwelahan bago ma-drap awt). Si Florante (undergraduate ng kursong accounting at ngayo’y isang kobrador ng jueteng) ang tanggero. Salitan naman sa pagbangka ng kwento itong si Jose at Andress. Laging ikinukwento ni Jose ang tungkol sa napakaraming babaeng dumaan (di umano) sa kanyang mga kamay. Si Andres naman, dayo lang dito sa aming lugar pero ayon sa kanya, galing siya sa isang pamilyang may sinasabi sa kanilang lugar ngunit mas piniling mamuhay ng simple (hindi ko alam kung bakit) sa pamamagitan ng pagkakargador sa palengke. Hindi rin mawawala sa umpukan si Elias (dito daw siya isinilang kaya naman kabisado niya ang pakikot ikot dito sa aming lugar. hindi siya nakapag-aral at walang hanap buhay) siya ang tagabili ng alak, yosi at pulutan sa tindahan ni aling Mary.



Mula sa pagsilip sa bintana ay ibinaling kong muli ang aking mga mata sa aking pinapanood sa youtube pero tapos na pala ito.



*hikab* sinalo ko ang aking mukha at bahagya itong hinaplos-haplos habang dahan-dahang sumandal sa dingding.



Bagama’t may pagkasintonado, hindi ko masasabing ingay ang kantahang nililikha ng mga nag-iinuman sa labas. Nasanay na ako sa araw-araw na ganito ang sitwasyon dito sa aming lugar. ang mga ingay mula videoke, sigawan ng mga nag-aaway na mag-asawa, kantahan at kwentong lasing para sa akin ay bahagi na ng buhay.



[Music: Yesterday,
All my troubles seemed so far away,
Now it looks as though they're here to stay,
Oh, I believe in yesterday.



Dinig na dinig ko ang pag-awit nitong si Crispin. May boses siya sa totoo lang kaya lang medyo may tama na kaya naman pati nota nito ay gumegewang narin.



Mula sa indayog ng gumegewang na awiting lashing ay unti unti akong iginupo ng antok. Siguro’y dahil narin sa pagod mula sa isang linggong paggawa.



Ilang sandali pa may mga tinig akong narinig.



Tinig 1 : alam mo dapat inaalagaan natin ang mga punongkahoy dahil sila ang umaalalay o sumusuporta sa lupa upang hindi ito gumuho. Kaya ako nagtanim na ako ng puno sa likod ng bahay namin.



Tinig 2: ano yang sinasabi mong ‘yong punongkahoy ang sumusuporta sa lupa para hindi ito gumuho?


Kalokohan! Bakit, nakakita kanaba ng kahoy na nakatayo na walang lupa? Ako nakakita na ng lupa na walang kahoy! ‘Yong lupa ang sumusuporta sa kahoy para hindi ito matumba! Tanga!



Tinig 1: ‘Aba, wag mo akong mumurahin! Gusto mo suntukan nalang!



BOOG. !~%^&*#!



Blaaag! !~%^&*#!



Tsug!



BLAAAAG! !~%^&*#!



Bigla akong nakarinig ng mga sigaw kaya naman biglang nagising ang diwa ko.



“huh, akala ko nananaginip ako. Yun pala’y usapang lasing lang ang naririnig ko habang nakapikit”. Bigla akong tumayo at sumilip sa bintana.



Mula sa bintana ay nakita kong hawak-hawak ng mga tanod na si Mang Emilio at Kuya Burgos itong si Florante at Jose na animo’y mga asong ulol na gusto paring magkagatan kahit inaawat na sila.



“tsk..tsk, itong mga ‘to talaga. Sila-sila nalang nag-aaway pa” deretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Mabuti nalang at mabilis na nakaresponde itong aming mga magigiting na barangay tanod, kung hindi baka nagkamatayan na itong sina Florante at Jose. ‘Yan ang inam kong manginginom ang mga tanod, kapag may away sa inuman nandun sila para umawat.



*hawak sa kilikili saka aamuyin*


ang asim ko na!Makaligo nga muna.



Dito ko muna puputulin ang ating kwentuhan magsa-shut down muna ako at bibili lang sandali ng shampoo sa tindahan ni aling mary.





See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC