Kuwento: Halik sa isang multo Isang itim na paniki at lumilipad mula sa madilim na kalawakan, bumubulusok paibaba sa lupa at taglay ang matatalas nangipin at ginintuang mga bahibo dahil siya`y pinag-aagawan at tinutugis ng international media, iba`t; ibang sanga ng siyensya, polis, military at ilang iba-ibang relihiyon ng iba`t-ibang mga bansa.
Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko siyang mahuli ng mga sakim at walang ibang iniisip kundi ang kanilang mga sarili lamang.
Unti-unti siyang nahuhulog patungo sa lugar na kinatatayuan ko, sa isang sira-sirang lumang bahay na ginawa na naming training site dala ng pagkaluma`t walang nakatira, sirang mga dingding at kisame.
Nagkaroon ako ng kaunting takot dahil sa kanyang angking bangis subalit, higit na nais ko ay ang kanyang kaligtasan mula sa kasakiman ng sangkatauhan. Sa dahilan ng kanyang unti-unting paghina pumasok siya sa loob ng bahay papasok sa loob kisame.
Maraming tao ang naghahanap kung saan siya sa daiigdig nahulog at ang ilan ay may palagay na sa pilipinas ito napadpad… nagtanong si Tito Macoy kung may nakita daw ba akong paaniki na pumasok sa loob ngunit ang sabi ko’y hindi ditto pumasok ang paniki kundi sa kabillang bahay. Kaya umalis na rin siya pagkatapos..
Mula sa kisame patungo sa second room ay nag anyong isang maganda at maputing babae ang itim na paniki na kinakatakutan ko kani-kanina lang..
Naakit ako sa taglay niyang kagandahan nang siya ay lumabas mula sa kuwarto. Bigla na lang pumasok si bryan at hindi ko alam ang gagawin ko at maging siya ay nagulat… hinawakan ni bryan ang kanya pisngi at tila napapatanong sa sarili kung totoo ba ang baabaeng nasa harapan niya…
Well, may naiwanang kanin si brayan sa pisngi ni Blanca (si golden black bat) hinalikan ko siya sa pisngi… tumingin siya sa akin ng may tanong ka yang sabi ko na lang tinanggal ko lang yung kanin…
Dumating bigla si Vanessa, ang pinsan ni bryan. Sinabi nila sa akin na kapatid na kaptid ni Bryan si Blanca at siya ay matagal ng patay… tinanong ko sila kung ilang taon ito namatay, ang sabi nila ganun sa hitsura na nakikita ko kay Blanca 14 yrs. Old siguro.. .. tinanong ko sa kanila kung anong birthday niya ang sabi nila June 12… eh birthbay ko rin yun ah… anong year? 1990!! Ha? Sabay kaming ipinanganak? Oo!! Soulmate nga kayo eh!! Ikinuwento nila sa akin kung ano ang dating hitsura ng luma naming bahay, kung ano at saan nakalagay ang mga lumang gamit bago ito tuluyang naluma at napabayaan … tumingin ako kay Blanca at hawak ko ang kanyang mga kamay, sabi ko: ”Sayang hindi pala tayo pwede”… nakita ko rin na maging siya ay nalungkot… at biglang lumiwanag ng buong paligid naming dalawa… at nangmamalayan ko na lang ang aking sarili na nagising at bumangon na sa kama… bigla kong kinuha ang aking bad at notebook para isulat ang laman ng mga panaginip ko… tinanong ako ng aking lola kung bakit daw ako biglang bumangon… kaya ikinuwento ko sa kanya… tumatawa siya sinabing kaloko ko naman daw at sukat halikan ko yung multo…
Ngayon, ilang araw na rin ang nakalilipas at inaabang-abangan ko pa rin siya sa aking panaginip...
|