Artist Club
Walang Paalam (Original Song Composition) T.B.A.
(by Jasper F. Jacoba  10/19/2013)

Umuulan, sumisigaw,
puno ng luha ang mata
mga tulang nababasa,
tuluyan nang nabubura

Bakit ba lumisan pa
kung kailan mahal ka na
Wala na bang magagawa
maaari bang lumaban pa

Walang paalam...

Chorus:

Kung kaya ko lang
hawiin ang ulap tumatabing sa bituin
ako at ikaw
ay magkasamang walang pangangamba

Kung kaya ko lang
buksan ang alab ng iyong pagmamahal
kailangan pa bang
Ngumiti ng pilit sa tuwing nasasaktan

Walang paalam...





See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC