Artist Club
LIKHANG AWITIN
(by ni Elito V. Circa  8/19/2003)

MANITONG UGALI
Kataga ni Elito V. Circa at himig ni Nelson Buisel

Intro:
I
Gusto ko'y laro at laging tawanan, tawa(hahaha)nan
Gusto ko'y laging lumulundag ang aking puso
Gusto ko'y hinahabol ang hanging payaso
Na tumatakas sa aking puso
Basta gusto ko'y laging hinahatak ng puso, ugat ng aking mukha

II
Alam ko iya'y mga laruan na libangan ng isip
Alam ko na kaya kong laruin yan
Bakit ayaw ninyong ipalaro sa akin
Ayaw ko 'tong laruan na ibinibigay n'yo sa akin
Hindi mukhang masaya at kulang sa kulay


Chuorus:
Kung ayaw ninyo'y tatangis ang puso ko
Ayaw niyo ahhhh babaha sa dibdib ko
Maglulumpasay pati katawan ko
Kahit sinukin sa pag-iyak di titigil kung ayaw niyo
Lumayas man kaluluwa kong manito di parin titigil

III
Pagkain kaya ang mga itong kay gagandang kulay at hugis
Parang kay sarap isubo at laruin ng aking mga ngipin
Bakit ayaw ninyong ipakain sa akin
Ayaw ko 'tong pagkaing isusubo ninyo sa akin
hindi mukhang masarap at kulang sa kulay


AWIT NG AKING KALULUWA
Kataga ni Elito V. Circa at himig ni Nelson Buisel

Intro:

I

Himig ay ama't ina ng mga kataga
Himig, gumagabay tungo sa makabul'hang pamilya
Awit tulad ng isang pamilayang may layuning tumulong
Upang mabuo ang tunay na bansang may kultura at sining.

II

Awit ay anito ng sining at kultura
Awit, Gumagabay tungo sa maayos nating la-hi
Dahil sining ay ispiritu ng bawat lahing tumubo sa lupa
Dahil kultura ay kaluluwa ng lahing nagkaugat sa lupa

Chorus:

Himig at kataga kapangyarihan ng kalikasan
Pumasok ka sa tainga at gumagapang sa kaugat-ugatan
Tunguhin ang utak at puso ng sintang minamahal
Signal ng awit palakasin mo mekanismo ng dugo ng sintang mahal
Yanigin at lipulin kaaway sa katawan ng giliw na mahal.

Refrain:

Awit ng kaluluwa kong mangingibig
Ang tanging alam na mabisang paraan
Upang mabilis na maiparating
Kawagasan ng aking pag-ibig
Sa iyo mutyang lahi kong tinatangi


LANGKAY NA SIGNAL NG PAG-IBIG
Kataga ni Elito V. Circa at himig ni Nelson Buisel

Intro:

I

Mapalad ka kal'wa na mang-hihimig
Na may marami nang nagawang himig
Dahil may kabayo kang magagamit
Patungo sa lahi sa karatig ng ating daigdig

II

Mapalad ka kaluluwang manlilikha
Na may marami nang nagawang kataga
Dahil may kalabao kang magagamit
Patungo sa lahi sa karatig ng ating daigdig

Chorus:

Oh awit gamitin mo langkay na signal
At maglakbay sa kalawakan
Umabot man ng kung ilang daang siglo sa paglalabay
Maiparating lang pag-ibig sa sandaigdig.

III

Mapalad ka kaluluwang mang-aawit
Na may marami nagawang awit
Dahil may timemachine kang magagamit
Patungo sa lahi sa karatig ng ating daigdig

IV

Mapalad ka kalikasang makasining
Kung mula sa puso mo ang awit
May maganadang layunin sa sintang sining
May pangarap sa lahi sa karatig nating daigdig





See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC