Artist Club
Pagaspas ng pakpak ng paruparo
(by Noel Dumlao  10/1/2003)

habang hinihiwa
ng sinasakyan kong traysikel
ang mahalumigmig na hanging
nakakumot sa bulubundukin ng ifugao

ay kinawayan ako
ng mga ilap na mirasol
sa gilid ng bangin

naalala ko ang una nating pagkikita.

noong gabing pinuyat ako
ng kulay lupa mong pisngi
at pagaspas ng pakpak ng paruparo
sa iyong mga labi




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC