Naubos na ang buntot ni butete Kaya malakas na ang loob para magsarili.
Lundag dito,lundag doon,lundag sa tabi-tabi. Ayon sa gawi doon! Meron uod na naglilimayon Banggit sa sarili ng palakang gutom Nilawit ang naglalaway na dilang sabik Sa maliit na uod na punong-puno ng hibik
Ngunit di man sumayad sa bitukang palipit Kaya muli lundag si palaka ng paulit-ulit Hanggang sa makakita ng isang pobreng tutubi Dilang malagkit muling nilawit-lawit Kawawang tutubi nawala na sa ere. Minsan isang araw mata ni palaka
|