Artist Club
PAROLANG ECIJANO
(by Rey R Lorenzo  2/5/2009)

Tila PALABA lang nang magsinula
Tipong aninag lang ng buwan sa batis ang kapara
DI naririnig at di man makita.

Tila BULALAKAW pagkaminsan
Bumubulusok ang liwanag pagdakay napaparam
Natatanaw ngunit saglit lang.

Tila BITUIN sa dilim dati
Kumukutikutitap lamang sa gabi
Minsa´y takip ng ulap kaya di masilip.

Tila ARAW ka na ngayon
Nakakasilaw ka´t puno ng hamon
Lantad ka na at isa ng pundasyon.


Ah! isa ka ng parola sa Mueva Ecija
Tanglaw na liwanag sa bawat oras
Gabay sa bawat araw sa aming paglalakbay


Hayaang nga ang apoy ng bawat isa
Magsisilbing dagdag na liwanag
Sa iyong makinang at mataas na parola.


Buhay ang aming pag-asa na ang moug na parola
Hindi lamang tanglaw ng Nueva Ecija
Magiging parola ka rin sa ibang bansa.


Liwanag ka sa amin SAMAHANG MAKASINING
ARTIST CLUB FOUNDATION OF THE PHILIPPINES
Ikinararangal ka ng puso´t isip namin.














See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC