Artist Club
PITIK BULAG 3
(by Mislang  10/29/2009)

PITIK BULAG!
Halasinsingan pumiyok
Ramdam kasi maraming katok
Isiping magnakaw,
Isiping mangulda,
Isiping mandaya,
Isiping mangutya,
Isiping mang-isa,
Hayy! nagkalat nga sila.

PITIK BULAG!
Mahihina siya pang kinawawa
Walang panlaban kundi ang luha
Sa kablang banda
Mayroong din abusado nga
Naibigay na ang kamay
Gusto pang kunin ang kaluluwa,
Naibigay na ang padala
Nagrereklano pa.
Naibigay na ang pera
Paulit ulit pang pumipila.
Kaawaawang masa.

PITIK BULAG!
Nawa ay magkaroon ng tanda
Suot na singsing maging halimbawa
Walang patid na ugpungan
Simbolo ng walang katapusan
Sa kabila ng kalakasan,
Sa kabila ng kahinaan,
Sa kabila ng kayamanan,
Sa kabila ng kahirapan,
Sa kabila ng karamdaman,
Sa kabila ng kalusugan,
Mananatili ang bigkis
Ng maayos na pamayanan.




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC