Artist Club
tuldok
(by Jesusa Circa Estanislao-Justo  12/12/2007)

Akoy tuldok.

Sa malawak na lupaing daigdig,
ano ang silbi ng kapirasong tuldok;
ni hindi mabigyang pansin;
ni hindi matapunan ng tingin.

Subalit mangimi kayong mga hangal;
Sapagkat itong munting tuldok
ay may angking kapangyarihan,
na tanging yaong may utak lamang
ang nakakaaalam.

Kung iyong lilimiin,
Tuldok ang nagtatapos
Sa anumang salita
O anumang katha.

Ito rin ang dungis
Sa perpektong linis
Ng iyong puting papel

Pilitin mang burahin, o balewalain
Ito˘y paniguradong kakailanganin,
Laluna ng mga matulain
Pangwakas sa kanilang likhain.

At bawat larawan
Si bagat tuldok din ang basehan
Kung ito˘y mainam
O kabod na lamang.

Ngayon mo ako maliitin
Akong isang tuldok
At buong dangal kong sasabihin
At sasaloobin
Ako˘y isang TULDOK.

3 minutong katha ni: Jesusa Circa Estanislao-Justo
sa: Papagou, Athens, Greece (5:45PM)



See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC